Thursday, July 16, 2009

ok lang

dumating ka
sa panahong okay lang
mag-isa...
oo, tama,
okay lang mag-isa.
kinilala kita
bilang kaibigan...
ngunit ang iyong
mga salita't
may ibang kahulugan...
at sa isang idlap,
ako'y naniwala...
unti unting nahulog.
okay lang mag-isa?
hindi na yata.
ngayon ay
ninanais kong makita
kita't makasama.
dumating ka...
sana'y wag ka na umalis...


["dumating ka sa panahong okay lang mag-isa" is from Tin Dulay...i liked that line and got inspired by it]

1 comment: