Sunday, November 1, 2009

kung kayo na talaga...

Minsan, kung iisipin mo, okay na din na mag-asawa ng maaga... Lalo na kung nararamdaman mo na talagang kayong dalawa ay para sa isa't isa. Parang tadhana, ika nga ng mga romantiko. Kung baga, parang hindi mo na pinakawalan ang taong hindi mo kayang mawala... Hindi mo pinakawalan ang oportunidad na baka siyang siya na nga. Parang soulmate. Inunahan mo lang ang posibleng mangyari na baka magkahiwalay kayo, makakita siya ng iba, magpakasal... Tapos ano ka nun? Wala, nakatingin lang. Yun pala pagkatapos ng lahat, malalaman mo na ikaw pa rin pala ang mahal nya, pero hindi na pwede dahil kasal na siya sa iba. Kesa umabot sa ganito ang sitwasyon, siguro nga, okay na din na maagang magpakasal. Sa ganun, simula pa lang, kayong kayo na talaga.

Hep. Sa nilahad ko dito, syempre, hindi ko na isinama ang ibang nakakalungkot isipin na tanong na tulad ng "pano kung hindi pala kayo sa isa't isa?" Dahil ibang usapan na kapag napunta ka sa ganitong sitwasyon..

Sana nga lahat na lang ng tao makita ang kani-kanilang soulmate, para naman hindi nakakalungkot, na parang laging sawi. Nakakalungkot isipin na mag-isa ka lang, hindi ba? Hirap kasi kapag ganun. Kaya mapalad ang mga pinagkita ng tadhana at naging magkasama sa habambuhay. Sila yung, naging sila talaga...

No comments:

Post a Comment